12.8.13

TIP-LET : Iwas-Lito


Hangga't maiiwasan, huwag maglagay ng napakaraming mga tauhan sa iyong nobela. Kung hindi kasi magiging maayos ang pagpapakilala at hindi malinaw sa mambabasa kung sinu-sino ang mga ito at anu-ano ang papel sa buhay ng mga bida at sa kuwento sa kabuuan, makakagulo lang iyon at magdudulot ng kalituhan.

2 comments:

  1. Matagal ko na pong sinusubaybayan ang blog ninyong ito. At malaki po itong tulong sa akin.
    May tanong lang po ako.
    Kung ang mga character ko po ay hindi mga pilipino, kunwari japanese sila, pwede po namang gamitin ang maraming tagalog kahit wala silang pilipino blood. di po ba?

    ReplyDelete
  2. Puwede naman iyon, basta bigyan mo ng paliwanag kung bakit marunong silang mag-Tagalog.

    Pero kung lead character ito, siguro bigyan mo kahit kaunting porsyento lang ang pagiging Filipino niya. Hindi sa kung ano pa man, mas gusto talaga nating dugong Pinoy ang mga bida natin. Kung hindi talaga maiiwasan, kahit 1/4 o 1/8 Pinoy na lang, basta ba kaya nilang mag-Tagalog at pamilyar sila sa kultura. Makakatulong din iyon para hindi naman pulos Ingles ang mga usapan nila. Hindi naman kasi maganda na halos wala nang Tagalog dun sa TAGALOG Romance book, di ba? hehehe

    Salamat sa komento. :)

    ReplyDelete