Ayon sa kasabihan sa Ingles na 'Practice makes perfect'. Kung ikaw ay isang manunulat ng Tagalog Romance, isa lang ang paraan para maging mas mahusay pa-- magsulat ka. Kahit ano pa yan o tungkol saan, basta magsulat ka. Gaya ng tabak, kailangang laging hasain ang iyong talento para hindi mangalawang.
Heto ang ilan sa mga puwede mong gawin upang mas masanay ang talento mo sa paglilipat at pagpapahayag ng iyong mga ideya o saloobin sa pamamagitan ng mga naisulat na salita. Nahahasa rin nito siyempre ang pagkamalikhain mo pagdating sa pagbubuo ng mga pangungusap at pagkakabit-kabit ng mga ito. Kung ikaw naman ay nangangarap pa lamang na maging manunulat, aba'y simulan mo nang sanayin ang sarili mong gawin ang mga ito.
Maaaring hindi madali ang ibang nasa listahan pero sigurado akong makakatulong ito sayo.
- Mag-blog. Puwede na rin kahit sa Facebook lang o Twitter.
- Sa halip na mag-forward lang ng text messages, lumikha ng mensahe para sa mga kakilala mula sa sariling ideya. Iwasang mag-abbreviate at sanaying gamitin parati ang tamang baybay ng mga salita.
- Sulatan ang mga kakilala nang madalas, kahit maiiksing Thank You note lang sa desk ng officemate mo, o reminder para sa mommy mo na ididikit sa ref. Kung nanay ka, singitan ng maiiksing notes ang lunchbox ng anak mo. Sweet pa dating n'un.
- Sa mga estudyante, piliting habaan ang sagot sa mga essay exams.
Mag-review para may saysay ang isasagot.Muli, piliting gamitin ang mga tamang spelling ng mga salitang gagamitin. - Magsulat ng mga reviews ng mga pelikula, music albums, puwede ring libro. Puwede ring editoryal ukol sa mga pangyayari sa bansa/mundo/sports
/kapitbahay. Nasa sayo na kung gusto mo itong ilathala sa Internet o hindi. - Kapag magreregalo, dagdagan na rin ng maiksing sulat ang gift mo. Magiging mas espesyal din iyon para sa tatanggap.
- Kahit hindi Valentine's Day, subukang sumulat ng love letter para sa sinumang mahal mo sa buhay.
Yihee!<3>3> - Magkaroon ng isang diary o kaya devotional notebook. Piliting magsulat doon nang regular.
- Magsulat ng fan fiction. Noong Grade 6 ako, nagsulat ako ng romance story nina Pink at Blue Ranger. Ni hindi ko pa alam noon na 'fan fic' pala ang tawag doon. Marami sa mga manunulat ngayon ay sa ganito nagsimula.
- Itala ang mga puntos habang nakikinig ng sermon sa simbahan o kaya sa seminar pupuntahan mo. Isulat maging ang mga komentaryo/ideya/pagsang-ayon/pagtanggi mo ukol doon.
- Kapag may pagkakataon, sumulat ng mga suggestions para doon sa mga establishments/organization na humihingi niyon.
(Kaya pa ba?)Kung gusto mo at kaya, gumawa ng tula o liriko ng isang awit.Kung balak mag-suicide, maghanda ng suicide note.(Wag totohanin. Joker lang talaga si Gore Vidal. Ehehehe )
Mas makabubuti kung makahihiligan mo ring magbasa. Marami kang matutunan doon, creative and technical-wise.
Thank you po sa tips. Magiging tagasubaybay na po ako ng blog ninyo! :) I am an English writer who decided to cross-over to writing Tagalog stories and this is such a great help sa mga drafts ko. I consider you na po my online mentor :D Thank you so much and God bless!
ReplyDeleteWow, salamat naman nakatulong sayo itong munting blog ko, hehe.
ReplyDeleteThank you! Blessings to you too. :)