25.10.16

More on Common Mistakes

Ilang mga bagay na dapat po nating bantayan sa mga manuscripts natin. :)


1. REDUNDANCY 

Halimbawa: 
"Chen, nas'an si Ate Malou?" tanong niya kung nasaan si Ate Malou. .
"Chen, nas'an si Ate Malou?' tanong niya kay Chen.

Correct: "Chen, nas'an si Ate Malou?" tanong niya.

2. DOUBLE NEGATION

Halimbawa: Hindi niya naiwasang hindi maiyak. 
(*Kung Math ito, ika-cancel natin ang dalawang hindi. So ang ibig sabihin nito: Naiwasan niyang umiyak. Walang iyakang naganap.)

Correct: Hindi niya naiwasang maiyak.
(*Puwede ring naiyak siya. Tapos. )


3. DAHIL SA / DAHIL: Nitong nakakaraan, dumadami ang napapansin kong nagkakamali rito. 

DAHIL SA - kapag ang kasunod na salita ay pangngalan (noun)

Halimbawa:
Dahil sa kahirapan...  
Dahil sa kawalan ng katarungan...
Dahil sa pangyayaring ito...
Dahil sa lalaking iyon

DAHIL - kapag ang kasunod na salita ay hindi pangngalan

Halimbawa:
Dahil wala silang pera...
Dahil shunga siya...
Dahil lumindol...
Dahil kay Einstein...


4. SINA / SILA:

Common error: 
Sila Lina yata ang bibiyahe. 

*Should be sina not sila.  

SINA kapag may mga pangalang (name) na kasunod.
SILA - (pronoun) pamalit sa mga pangalan 

Halimbawa:
Sina Lina at Marivic ay magkaibigan. Sila ay nagkakilala noong grade school pa.


5. BLANGKO ANG MUKHA -  ang literal na ibig katumbas sa English ay 'faceless'.



Kung hindi ito ang ibig sabihin, dagdagan ang phrase at gawing, "blangko ang EKSPRESYON SA mukha." Ibig sabihin, walang mababasang emosyon sa mukha noong character. 


Sa totoo lang, hindi naman big deal nga ito. Madali lang namang baguhin ng editor kung sakali. Pero mas okay siyempre kung matutunan nating ayusin habang nasa kamay pa lang natin yung manuscript. 

Salamat sa pagbabasa. :)



20.10.16

Presko at Sariwa


Pareho ang translation sa English: fresh.

Puwede nating sabihing, 'presko ang hangin' o 'sariwa ang hangin'. Parehong tama, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay interchangeable sila. May mga ibang pagkakataon na hindi puwedeng palitan ng isa ang isa.

Halimbawa ng maling gamit:
Sariwa ang pakiramdam niya kasi kaliligo niya lang.
Preskong isda. Preskong gulay at prutas. Preskong gatas. 
Sariwang tubig (fresh water). Tubig tabang na lang, hehe.


Paalala lang naman. :)

Minsan parang binobola lang ako ni Google Translate sa mga pinagbibibigay niyang translations. At least, dito, hindi naman. :)