9.9.14

10 Writing Habits

I was tagged by @Maria Feda Davies (yep, our very own Jade Anne Franco) on FacebookI'm not on FB, so dito ko na lang ilagay. :) 

I-tag ko si Dior Madrigal, Alexie Aragon, xxakanexx, saka si pajama_addict. 

1.   Di ko kaya yung putol-putol na pagsusulat. Mas productive ako (sa tingin ko) kung tipong isang araw na walang pasok na dere-derecho akong magsusulat, kaysa araw-araw tig-dadalawang oras.
2.   I choose visual pegs for my characters para madaling mag-describe ng hitsura nila. Tapos naka-wallpaper yun sa laptop ko para inspiration, hehe.
3.     Gusto may background music. Gumagawa pa ‘ko ng OST-like playlist tapos ‘yun ang pinapakinggan ko habang nagsusulat ako. Habang gumagawa ako ng ibang bagay (nagtatrabaho, nagbibiyahe, o anuman), pinakikinggan ko yung playlist para ma-motivate ako. Kaya ayun, forever nang may earphones sa tainga ko.

  

4.   Di ako puwedeng magsulat sa kama, makakatulog ako.
5.  Ayoko nang may istorbo kapag writing time ko.
6.  Nag-a-outline ako pero di rin nasusunod. :/
7.  I keep a notebook (notebooks, actually, dahil ang dami ko nun), sulatan ng ideas. Pag tamad akong mag-take notes, vino-voice record ko.
8.   I research. Di ko siya masyadong feel pero ginagawa ko yun, kasi kakahiya naman sa babasa ng sinulat ko kung mali-mali ilalagay kong info sa MS ko, di ba?
9.   Mahilig akong mag-edit at mag-revise ng MS. Kahit halfway pa lang, binabasa ko na siya at pinapalitan yung mga names, yung scenes, nag-chop-chop ng scenes, etcetera. Makulit ako, as in. Baka sa isang nobela, mahina na yung 3 times ko siyang irerebisa.
10. Matagal akong magsulat. Ang pinakamabilis kong natapos ay inabot ng 1 buwan. Yung pinakamatagal… ahm, sinimulan ko nung 2008, ayun di pa rin tapos ngayon. :/


No comments:

Post a Comment