I was tagged by @Maria Feda
Davies (yep, our very own Jade Anne Franco) on Facebook. I'm not on FB, so dito ko na
lang ilagay. :)
I-tag ko si Dior Madrigal, Alexie Aragon, xxakanexx, saka
si pajama_addict.
1.
Di ko kaya yung
putol-putol na pagsusulat. Mas productive ako (sa tingin ko) kung tipong isang
araw na walang pasok na dere-derecho akong magsusulat, kaysa araw-araw tig-dadalawang
oras.
2.
I choose visual pegs for
my characters para madaling mag-describe ng hitsura nila. Tapos naka-wallpaper
yun sa laptop ko para inspiration, hehe.
3. Gusto may background music. Gumagawa pa ‘ko ng
OST-like playlist tapos ‘yun ang pinapakinggan ko habang nagsusulat ako. Habang
gumagawa ako ng ibang bagay (nagtatrabaho, nagbibiyahe, o anuman),
pinakikinggan ko yung playlist para ma-motivate ako. Kaya ayun, forever nang
may earphones sa tainga ko.
4.
Di ako puwedeng magsulat
sa kama, makakatulog ako.
5. Ayoko nang may istorbo
kapag writing time ko.
6. Nag-a-outline ako pero
di rin nasusunod. :/
7. I keep a notebook (notebooks, actually, dahil ang dami ko nun), sulatan ng
ideas. Pag tamad akong mag-take notes, vino-voice record ko.
8. I
research. Di ko siya masyadong feel pero ginagawa ko yun, kasi kakahiya naman
sa babasa ng sinulat ko kung mali-mali ilalagay kong info sa MS ko, di ba?
9. Mahilig akong mag-edit at mag-revise ng MS. Kahit
halfway pa lang, binabasa ko na siya at pinapalitan yung mga names, yung
scenes, nag-chop-chop ng scenes, etcetera. Makulit ako, as in. Baka sa isang
nobela, mahina na yung 3 times ko siyang irerebisa.
10. Matagal akong magsulat. Ang pinakamabilis kong
natapos ay inabot ng 1 buwan. Yung pinakamatagal… ahm, sinimulan ko nung
2008, ayun di pa rin tapos ngayon. :/