12.8.13
TIP-LET : Iwas-Lito
Hangga't maiiwasan, huwag maglagay ng napakaraming mga tauhan sa iyong nobela. Kung hindi kasi magiging maayos ang pagpapakilala at hindi malinaw sa mambabasa kung sinu-sino ang mga ito at anu-ano ang papel sa buhay ng mga bida at sa kuwento sa kabuuan, makakagulo lang iyon at magdudulot ng kalituhan.
7.8.13
Kahit Ano Lang...
Ayon sa kasabihan sa Ingles na 'Practice makes perfect'. Kung ikaw ay isang manunulat ng Tagalog Romance, isa lang ang paraan para maging mas mahusay pa-- magsulat ka. Kahit ano pa yan o tungkol saan, basta magsulat ka. Gaya ng tabak, kailangang laging hasain ang iyong talento para hindi mangalawang.
Heto ang ilan sa mga puwede mong gawin upang mas masanay ang talento mo sa paglilipat at pagpapahayag ng iyong mga ideya o saloobin sa pamamagitan ng mga naisulat na salita. Nahahasa rin nito siyempre ang pagkamalikhain mo pagdating sa pagbubuo ng mga pangungusap at pagkakabit-kabit ng mga ito. Kung ikaw naman ay nangangarap pa lamang na maging manunulat, aba'y simulan mo nang sanayin ang sarili mong gawin ang mga ito.
Maaaring hindi madali ang ibang nasa listahan pero sigurado akong makakatulong ito sayo.
- Mag-blog. Puwede na rin kahit sa Facebook lang o Twitter.
- Sa halip na mag-forward lang ng text messages, lumikha ng mensahe para sa mga kakilala mula sa sariling ideya. Iwasang mag-abbreviate at sanaying gamitin parati ang tamang baybay ng mga salita.
- Sulatan ang mga kakilala nang madalas, kahit maiiksing Thank You note lang sa desk ng officemate mo, o reminder para sa mommy mo na ididikit sa ref. Kung nanay ka, singitan ng maiiksing notes ang lunchbox ng anak mo. Sweet pa dating n'un.
- Sa mga estudyante, piliting habaan ang sagot sa mga essay exams.
Mag-review para may saysay ang isasagot.Muli, piliting gamitin ang mga tamang spelling ng mga salitang gagamitin. - Magsulat ng mga reviews ng mga pelikula, music albums, puwede ring libro. Puwede ring editoryal ukol sa mga pangyayari sa bansa/mundo/sports
/kapitbahay. Nasa sayo na kung gusto mo itong ilathala sa Internet o hindi. - Kapag magreregalo, dagdagan na rin ng maiksing sulat ang gift mo. Magiging mas espesyal din iyon para sa tatanggap.
- Kahit hindi Valentine's Day, subukang sumulat ng love letter para sa sinumang mahal mo sa buhay.
Yihee!<3>3> - Magkaroon ng isang diary o kaya devotional notebook. Piliting magsulat doon nang regular.
- Magsulat ng fan fiction. Noong Grade 6 ako, nagsulat ako ng romance story nina Pink at Blue Ranger. Ni hindi ko pa alam noon na 'fan fic' pala ang tawag doon. Marami sa mga manunulat ngayon ay sa ganito nagsimula.
- Itala ang mga puntos habang nakikinig ng sermon sa simbahan o kaya sa seminar pupuntahan mo. Isulat maging ang mga komentaryo/ideya/pagsang-ayon/pagtanggi mo ukol doon.
- Kapag may pagkakataon, sumulat ng mga suggestions para doon sa mga establishments/organization na humihingi niyon.
(Kaya pa ba?)Kung gusto mo at kaya, gumawa ng tula o liriko ng isang awit.Kung balak mag-suicide, maghanda ng suicide note.(Wag totohanin. Joker lang talaga si Gore Vidal. Ehehehe )
Mas makabubuti kung makahihiligan mo ring magbasa. Marami kang matutunan doon, creative and technical-wise.
6.8.13
Mga Panandang Pangsalitaan
Isa sa mga natutunan ko
sa aking pagsusulat at pamamatnugot ay iyong salitang 'moderasyon'. Lahat ng bagay, maging
iyong mga tuntuning pangteknikal na sinusunod natin ay dapat gawin nang katamtaman. Nawawala kasi ng kalayaan ang ating pagiging malikhain kapag nakakulong tayo sa isang ayos.
Parang sa pagkain lang, kung pulos prito ang luto sa isda, mauumay tayo. Kailangan may pagkakaiba-iba din. Minsan, paksiw naman o kaya pinangat, inihaw, bago babalik uli sa prito. (Ayan, nagugutom na ako.)
Parang sa pagkain lang, kung pulos prito ang luto sa isda, mauumay tayo. Kailangan may pagkakaiba-iba din. Minsan, paksiw naman o kaya pinangat, inihaw, bago babalik uli sa prito. (Ayan, nagugutom na ako.)
Sa mga nobelang sinusulat natin, hindi gaanong importante ang paggamit ng dialogue tags. Gayunpaman, pihadong makikintal sa isip ng inyong mga patnugot at mga mambabasa, kung maayos ang pagkakasulat ng nobela ninyo. Pangit kasing tingnan kung tadtad ng 'sabi niya' o 'saad niya' iyong libro natin, nakakapagod ding bigkasin.
Sang-ayon diyan, nais kong imungkahi ang paggamit ng iba pang mga salita kapalit ng karaniwang panandang pangsalitaan (pauso ko lang na salin ng 'dialogue tags') na ginagamit natin.
Ilan lang ito sa puwede nating ipalit, mayroon pang iba na maaari nating subukang gamitin.
TURAN / TUGON - kasing-kahulugan ng "sagot"
MUNGKAHI - suhestyon,
suggestion. Hal.: "Try mo kayang iladlad 'yang buhok mo?"
mungkahi nito.
UNTAG - pagkuha ng
atensyon. Pag tahimik tapos biglang kakausapin ng isang karakter yung isa. Hal.:
"So...kumusta ka na?" untag
nito.
ASIK /SINGHAL - pagalit
ang pagkakasabi. Hal.: "Ano ba!"
singhal niya.
SIKMAT - pagalit din, pero hindi kailangang malakas ang tono. Hal.: “Tumigil
ka na,” nagtatagis ang mga bagang na asik ng kanyang ama.
SAMBIT - kung maiksi lang. Hal: "Oo," sambit niya.
ANAS - mahina rin ang
pagkakasabi. At hindi ko alam kung ako lang, karaniwang ikinakabit ko ito kapag
medyo seksi / senswal yung pangungusap o eksena at may kasamang mainit na tingin
mula sa nagsalita. Hal: "Beautiful,"
anas ni Gideon (*tikhim*) habang hinahaplos ang pisngi ng nobya.
DUGTONG - to add; may nauna nang sinabi, karugtong lamang ito.
BANGGIT – to mention. Hal: "Liechtenstein," banggit niya.
BANGGIT – to mention. Hal: "Liechtenstein," banggit niya.
IMPORMA – to inform.
Hal: “May meeting nga pala tayo sa
Thursday,” imporma ni Malou.
PALIWANAG - kung mahaba
at mukha ngang nag-eeksplika ito ng isang punto.
KUWENTO – to narrate; kung
nagsasalaysay
DEPENSA – to defend
KAILA / TANGGI – to
deny. Hal.“Hindi po totoong break na
kami,” tanggi ng aktres.
SANG-AYON – to agree. “Oo
naman!” sang-ayon ng dalaga.
TAWAG – to call. Hal: “Rose! Rose!” tawag ni Jack.
BULALAS - to exclaim; malakas ang pagkakasabi, parang nagulat. Hal: "Ay, kabayo!" bulalas niya.
SIGAW / TILI – to shout, scream; may kasama itong tandang pandamdam o exclamation point (!) .
SIGAW / TILI – to shout, scream; may kasama itong tandang pandamdam o exclamation point (!) .
SINGHAP - to gasp;
kasabay ng singhap yung dialogue.
SABAD / SABAT – to interrupt
*Mga Tala:
(1) Maaari ring gamitin ang katumbas na salita sa Ingles para hindi pare-pareho ang tags.
(2) Hindi natin madalas gamitin sa MSV ang tag na ‘wika niya’. Ang wika kasi ay iyong mismong lengguwahe.
(3) Gaya ng nabanggit ko sa simula nito, moderasyon ang susi. Huwag namang abusuhin ang paggamit ng tags.
(1) Maaari ring gamitin ang katumbas na salita sa Ingles para hindi pare-pareho ang tags.
(2) Hindi natin madalas gamitin sa MSV ang tag na ‘wika niya’. Ang wika kasi ay iyong mismong lengguwahe.
(3) Gaya ng nabanggit ko sa simula nito, moderasyon ang susi. Huwag namang abusuhin ang paggamit ng tags.
Iyan muna sa ngayon.
Susubukan kong dagdagan iyan sa susunod na pagkakataon.
Maraming salamat!
Tungkol sa mga Bayani at Masasayang Wakas
Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto kaya naisip kong ito ang tamang panahon para magsulat ako ng tala sa Filipino. Sa tingin ko, mas akma ito lalo pa't Tagalog Romance naman talaga ang sinusulat natin at Tagalog ang salita ng karaniwang nagpupunta sa blog na ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)