*To make this TIP-LET easier to understand, I decided to use images I found in the Internet. ;)
BUKOD - aside from, in addition, also, alongside
- is used when the object being discussed is an insider to the list of things mentioned in the predicate.
Ex:
BUKOD - aside from, in addition, also, alongside
- is used when the object being discussed is an insider to the list of things mentioned in the predicate.
Ibig sabihin, bukod kina Superman, kasali rin sa Justice League lahat yan !?! Whoah, ang dami!!! |
- Bukod sa kare-kare, may baon ding kanin at soft drinks si Ate Necy. Ang saya!
- "Bukod sa pagtulog, paborito kong pastime ang pagkain. Obvious naman, di ba?" nakangiting biro ng ginang.
- Mayroon siyang iniindang rayuma at arthritis, bukod pa sa eczema.
- Bukod sa hipon, allergic din siya sa bagoong, manok at mani.
- Plano niya ring mamasyal sa Europe sa December, bukod pa sa balak niyang Asian tour ngayong buwan.
MALIBAN - except, exclude, leave out, save, unless
- is used when the object of discussion is the only exception to the list of things mentioned in the predicate. (Yep, kinda like an outcast.)
- Lahat na yata ng klase ng gulay nasa kantang 'Bahay-Kubo', maliban sa okra.
- Teachers na ang mga anak ni Mang Danny, maliban kay Joy na nag-aaral pa sa kolehiyo.
- "Lahat ay welcome sa party ko, maliban sa unggoy na iyon," nakairap na sabi ng pagong.
- Paborito niya ang kahit anong luto ng manok, maliban sa adobong adidas.
- Hindi na siya dumaraan ng opisina tuwing Sabado, maliban na lang kung kailangang-kailangan.