26.4.14

Narrative Tenses


Lahat ng pangyayari sa isang nobela ay assumed na tapos na at kinukuwento na  lang ng kung sinumang narrator (puwedeng iyong isa sa characters kung naka-First Person). 

This is also the reason why we seldom write 'ngayon', 'kinabukasan', 'kamakalawa' in the narratives. Kasi tapos na nga iyon, kaya dapat: 

  •    Ngayon =  nang araw / oras / sandali na iyon
  •    Kinabukasan = nang sumunod na araw
  •    Bukas  =  sa susunod na araw
  •    Kamakalawa = dalawang araw mula noon 
Pati sa places, ganoon din. Hindi natin sinasabi na 'Nag-jogging siya rito.' sa narration. Not rito kundi roon/doon. 'Sa lugar na iyon', not 'sa lugar na ito'.  Maliban na lang kung nasa dialogues itong mga ito.

Thus, the verbs in your narratives should be in the PAST TENSE.

Examples:

  •    Uminit ang ulo niya sa nakita.
  •    She closed her eyes.
  •    Sumakit ang tiyan niya.

Puwede rin ang PAST PROGRESSIVE or PAST PERFECT kung may isa pang action na nangyari, habang kasalukuyang nagaganap iyong first verb.

Examples:

  •    He was thinking about sleeping when his phone rang.
  •    Naglalaba siya nang may kumatok sa pinto. 

   (Note: Dahil nasa Tagalog, mukhang present tense yung 'naglalaba' pero dahil may isa pang action na nangyari (kumatok), past progressive yun talaga.)  

Kung nangyari iyong action bago doon sa timeline ng istorya, dapat naka-PAST PERFECT ang tense ng verb.

Example:

  •    Chen had put corrections on the manuscript, when I told her it's the wrong file. 
  •    He had had his share of women, before they met.  

   (Note: Puwede ring 'He'd had' kung naalibadbaran ka sa 'had had')


Pero kung may ilalagay na something na hindi mo maatim na ilagay in past tense dahil hanggang ngayon ay fact iyon, write it in another way. 

Try kong ipaliwanag, ah. Try lang.  :)

Example: 
Say, you wanted to say:      
   The earth revolves around the sun.

Write it like this:                 

  •  The earth had been revolving around the sun. (happened in the past, nangyayari hanggang ngayon)
  •  The earth would always revolve around the sun. (future)
  •  The earth would be revolving around the sun. (future)                              

Instead of this:                   Try this:

She likes coffee.         She had always liked coffee.    
She is impatient.        She had always been impatient.
                                
If it still sounds wrong to you, rewrite the sentence or better yet, translate it in Tagalog. Mas madali kapag naka-Filipino na ang verb dahil at least tatlo lang ang tenses natin.

Kung may questions, send mo lang po sa comments section. :)

Good day, everyone!